

Na-''Gitlingzone'' Ka Na Ba?
March 2, 2016
Alamin ang Wastong Paggamit ng Gitling!
Sa wikang Ingles man o Filipino, talagang nakalilito ang paggamit ng gitling. Madalas na nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan ang maling paggamit nito, kaya naman, dapat itong bigyan ng atensyon. May mga salita na nag-iiba ang kahulugan kapag ang gitling ay namagitan na, katulad ng "nagulat" at "nag-ulat".
Maliban sa pagbibigay-linaw sa kahulugan ng salita sa mga sulatin, ang gitling ay ginagamit din upang malaman ang tamang intonasyon sa pagbigkas. Katulad ng ibang bantas, nagbibigay din ng estraktura ang paggamit nito sa ating wika.
Narito ang isang larawan upang mas madali ninyong matutunan at matandaan ang wastong paggamit ng gitling.